July 28, 2011
ayaw ko talagang lumayo...
kaso ayaw ko naman ng masaktan sa mga ginagawa nya... :(
gusto ko man magkita kami, wala akong mukhang ihaharap sa kanya...
mahal ko pa din sya, pero baka mailang sya sa kin dahil di pa din friend ang tingin ko sa knya..
natatakot ako...
nasasaktan..
naiinis..
at nanghihinayang...
di naman kasi dapat umabot dito...
wala na akong halaga sa kanya...
di na ako ganun kaimportante...
matagal ko na sanang ginawa to...
para di sana ako nahirapan ng ganito...
lalayo ako, para sa ikabubuti ng dalawa...
sorry pero di ko maipapangako na friends lang ang tingin ko sayu... kaya nga ako ganito ei... MAHAL PA DIN KASI KITA... wag ka ng magtaka... pero alam ko ako ndi na... unti unti kong tinatanggap...
ayoko na muna magpakita sayu... baka kasi nagsasawa ka na sa mukha ko ei... gusto ko maramdaman ung feeling na namimiss ako ng isang tao na mahalaga sa akin...
sana pag nagsalubong tayu ng daan, makita mo ako... mayakap mo ako, at sabihin na miss mo na ako sobra... tulad nung christine na kasama ko nung high school tuwing absent ako, daming tanung...
anu nangyari sayu?sayang di mo nakita ung nangyari? daming lectures, bat ka ba absent?... namiss ko yan... at ung pinaka gusto ko pag tinatanung ko kayu na " isang araw lang ako nawala namiss nyo na ako agad.." at sasagot kang "syempre naman"
wala na un ei... kaya sana sa paglayu ko madami kang marealize... marealize mo sana lahat ng hinahanap ko sa christine...
planu kong lumipat ng school sa second sem, malayo sa lahat... walang makakaalam... khit sinu, lalo na sya... nagdadalawang isip lang ako, madami na din akong naging kaibigan sa adamson ei...
sa tuwing naglalakad naman ako sa school, naiisip ko ung kasama kong naglalakad dun... ung kakulitan ko dun at ung hinalikan ko dun... haizt!! erase erase... wag ng ibalik ang mga bagay na imposible ng ibalik pa...
sana makahanap na ako... khit panandalian lang na makakasama as long na makakalimutan ko ung nangyari sa min ok na... sa kanya lang naman ako hirap makapagmove on... kasi sya ang UNA...!!
ang hirap palang lumayo sa taong mahal na mahal mo... di ko alam kung panu ko gagawin... masaya ako sa tuwing nakikita ko syang ngumingiti, natatakot, tumatawa, at nagaalala sa akin...
pero di ko na makikita un...
daig ko pa ung pumunta sa ibang bansa...
ayaw ko munang may balita sya tungkol sa akin...
gusto ko kasing malaman kung anu ung gagawin nya pag wala na ako...
maghahanap na ba sya ng kapalit ko?
yan ung pinakamasakit siguro na mangyayari sa paglayo ko...
at baka yan din ang pagsisihan ko bandang huli...
wla naman na din akong magagawa...
I'm giving her all the space she wants...
masaya na sya, now na wala na ako...
babantayan ko na lang sya... whenever na malungkot sya, whenever na may problema sya... may magbabantay sa kanya... I'll be her guardian angel.. watching her from afar... di man ako magpakita, mararamdaman nya naman na nasa tabi nya lang ako... :)
di kita makakalimutan...
ikaw ang gusto kong lumimot sa kin...
para di mo na ako kailangan layuan...
from the start tayu, na para bang kakakilala lang natin pag nagpkita na ako sayu...
balik sa dating queri, na ang taong nasa isip ay si keiko at fiona... pero ang nasa puso si christine...
umarte ka na lang na di mo sya kilala... ibang christine un...
mianhe dongseng... late yung space na kailangan mo... ngaun ko pa lang maibibigay...
sana wag ka ng malungkot... assuming nanaman ako, syempre masaya ka naman talaga ei...
siguro eto na magiging last note ko muna sa blog ko...
mamiss ko to... :')
pagbalik ko siguro di na ako madrama... :) puro masasayang moments na ulit...
WELCOME TO A WORLD FULL OF DRAMA
Crying doesn't mean you are weak. It only means that you are strong enough to hold on for so long
Wednesday, July 27, 2011
Sunday, July 24, 2011
" anu ako ngaun "
JULY 23, 2011
deactivated na FB ko... badtrip ako kay tin... alam na nya kung bakit, wag na syang magtanung pa... the more na nakakausap ko sya, the more na nasasaktan ako... bkit ganito ung nangyayari...
marerealize mo lang ang halaga ng isang bagay pag nawala na to sayu. malulungkot ka, iisipin mo sya, iiyak ka, mamimiss mo sya, hahanap hanapin kahit alm mong DI NA SYA PWEDENG
MAPASAIYO
dpat na ba akong sumuko ng tuluyan...?? sa tingin ko ou... wala na talagang pagasa pa na magkabalikan kami...
unfair kasi ang nangyayari, habang ang sakit sakit ng nararamdaman ko sya naman parang wala lang sa kanya ang nangyayari....
ano na ba ako ngaun..? kung nuon I've given up my best, today it's the start of my nightmare... I've never thought that I would end up like this... sabi ko ready ako kahit maghiwalay kami peo, di pla pwedeng pangunahan ang mangyayari.. di ko to gusto, kasi naiisip ko pa din ung mga panahon na kasama ko pa sya...
madami na kaming nagawa together... araw araw kami halos magkasama.. 5 months din un actually isang buong school year... masaya ako naging kami, kahit di kami masyadong nagtagal naging masaya naman ako...
ok na sya ngaun.. masaya naman sya... and sa nangyayari alam kong kinakalimutan na nya ako... lahat ng nangyari sa amin, at ung pinagsamahan naming dalawa...
back to basic nga naman.... mas better na to... sa tingin ko masaya naman syang wala ako ei... masyado ko kasing pinaniwalaan mga sinabi nya sa text na di nya ako iiwan ngaun di ko na magawang alisin un sa isip ko...
akala ko di nya ako kayang iwan...
akala ko di nya ako kayang saktan...
akala ko lang pla un...
masakit pag paulit ulit nyang pinaparamdam sayu na wala na...
masakit pag iniiwasan ka na nya, at nagkaka ilangan na kayu...
ako lang nakakahalata ng pagbabago nya ei... kasi sa akin lang naman sya nagbago.. kaya masama bang magreact ako.. wala naman kasi silang alam ei...
ang bagay na pinagsisisihan ko lang sana nagawa ko man lang yakapin sya habang naglalakad kami, nahalikan ko man lang sya habang paalis ako, naakbayan ko man lang sya tuwing nagdate kami... ang laki ng panghihinayang ko kasi di ko man lang nagawa sa kanya ung ginagawa ng iba... :((( naiinggit ako sa kanila... masarap sguro ung pakiramdam na ganun...
ndi ung puro tago lang kami ng tago ng relasyon namin...
sana nagtagal pa kami, sana natupad namin ung pangako namin sa isat isa...
wala man akong isang salita tanggap ko un... di naman kasi ako perpekto ei...
mamimiss ko talaga sya... at sana ako din mamiss nya... :))
mamiss nya sana ung taong walang sawang nagmamahal sa kanya..
di ko akalain na ganito magiging epekto nya sa akin... to be honest, from the start pa lang alam ko ng sya ung gusto ko... di ko nga alam kung bakit ei... di ko alam kung bakit sobrang minahal ko sya... samantalang madami namang iba...
sabi ko nga DI KO NA KAILANGAN NG IBA, KUNG SYA LANG SAPAT NA...
sobra kasi syang bait ei...
kaya ayaw ko syang saktan ng iba...
kahit ako na ang maging kontrabida sa buhay nya, basta walang ibang taong makasakit sa kanya gagawin ko...
ayaw kong makitang umiiyak ung taong mahal na mahal ko...
dapat pa ba akong umasa, kahit na alam kong umaasa lang ako sa wala??
daming nagsasabing maghanap na ko ng iba...
ung isip ko un na din ang gusto...
pero iba pa din ung sinasabi ng puso ko...
maghihintay ako.. kapag nagkaroon na sya ng iba, dun na lang ako maghahanap...
masakit mang isipin na di pala kami ang para sa isat isa, kailangan kong tanggapin un...
open naman ako para sa kanya ei... kung maisipan nyang bumalik sa kin.. pero di ko maipapangako na ganun pa din... kasi mahal ko nga sya... kaso wala na akong tiwala sa knya na di nya ako sasaktan...
sana di na lang sya nangako sa akin...
para sana di na ako umasa pa...
wala naman akong galit sa kanya...
naasar lang ako sa sinasabi ng iba... ndi ko naman kasi kailangan ng opinyon nila... mas gusto ko pa ung mga sinasabi nya... tuwing pinapagalitan nya ako... kapag nagtatampo sya...
ANG AEGYO!!! mamimiss ko talaga ung pasaway na un... grabe parang kelan lang sabi ko titigilan ko na sya ah.. gulo ko nga talaga..
pero maiiwasan ko ba un..?? di ko magawang ipakita at iparamdam sa kanya na mahal ko pa din sya ei...
sa tingin ko one day matatauhan din ako...
one day, makakalimutan ko sya...
at one day... MAY DARATING PA...
pero hanggat ndi pa dumadating ang one day na un...
SYA PA RIN AT WALA NG IBA... :)))
Subscribe to:
Comments (Atom)