WELCOME TO A WORLD FULL OF DRAMA

Crying doesn't mean you are weak. It only means that you are strong enough to hold on for so long

Tuesday, March 11, 2014

The reason why I SMILE :)

MARCH 11, 2014

Hi, same date today bloggy this is the first time na sa isang araw nag post ako ng dalawang life event ko :)

Well story is medyo related din naman sa unang post ko. But ang pagkakaiba, sila naman ung mga nakilala ko dahil kay Avril pa din.. May iba pa ba? :) see how she changed my life in an instance? :) ang laki ng part ni Avril sa buhay ko ung susunod na girlfriend ko pagseselosan na sya :D
well nobody could remove Avril from me na siguro :)

Ok, how should I start this
ANG DAMI KONG NEW FRIENDS!! but don't be jealous bloggy ha, lam mo ba ikaw nag pinaka bestfriend ko sa lahat ng bestfriend ko.. since pinapakinggan mo ako ng wala kang ibang sinasabi sa akin (baka magsalita ang blog liam)..

Oh well. eversince na nag join ako sa group ang dami ko ng nakilala na adik din kay Avril, shocking things are meron mga malapit lang sa bahay namin, mga taga adamson, mga taga tondo.. huwaaaaaw lang anu po? :)

Ang daming tumatawag sa akin ng Kuya, Idol, Crush, Baby,.. ang dami kong naging pangalan sa group.. medyo nakakahiya lang talga :( Starting sa
kuya? isa lang masasabi ko jan  BAKA KUYA ANU PO? :lols. XD lakas makatanda ei
Idol? hmmm.. lakas ko makaartista kahit mukha akong karatista.. (oo na last ko na yan :/)
crush? there's nothing good about me po.. End on nonsense..
Baby? ANG DAMI KONG NAGING ANAK DITO SA GROUP XD
Pogi mo? baka pogi, san po banda? di ko kasi makita ei bulag ako :D
cute mo? OK TANGGAP KO YAN.. JOKE.. HAHAHAHAHA

The best sa group ung lahat sila tatanungin ako

"Girl ka po?"
then irereply ko " GAY PO"
tapos lahat sila magugulat, one time may sinabihan akong GAY ako sinermunan ba naman ako sabi hindi ako magiging masaya kesyo wala daw akong makakasama pag tanda ko.. funny anu po? :)
baka kahit magkaanak talaga ko XD

tapos may ka loveteam ako sa group.. medyo nakakakilig kaming dalawa, ang sweet kasi.. JeLiam love team.. panu ba un nagstart? hmmm.. ganito kasi un
nagkakabiruan kami ng madami akong fafa, (bromance kasi diba? )
tapos sabi nya magshare daw ako, sabi ko pili na lang sya kahit sinu then sabi nya "SI LIAM ANG GUSTO KO" ayun, dun po nagstart ang cheesy moments namin.. pero hanggang dun lang un syempre, hanggang Loveteam lang.. alam mo na din baket bloggy.. and besides, she's too young for me, 17 lang sya ei.. XD but who knows diba? sabi ko din naman either ka age ko, mas bata sa akin ng 1 yr. or mas matanda sa akin ng 1 yr.
but no! DI PA PWEDE NGAYON.. and wala naman akong nararamdaman na kuryente ei, remember ung kuryente na nafeel ko dati? once na naramdaman ko un sya na un bloggy :)) but imposible na siguro un nu? :) old fashion ko talaga :D Naniniwala pa din ako na someone somewhere out there kantahan na ba ituuu? :)

oh well ayun na nga then I met some new friends. nanuod kami ng fireworks. Masaya ako first time ko nakilala ung iba, si rhenbert and si jonylle taga adu sila so ADAMSONIAN UNITE kame :))

hmm si ate mellah Idol nameet ko na din sya.. one day magiging kasing galing na ako mag gitara.
Yun medyo wala akong dalang pera nung araw na un.. Everything was unexpected ei, malay ko bang manunuod ng fireworks? :/ hahaha ang ganda nung sa japan swear pag si Avril na lang at ako ang huling tao sa mundo araw araw maghahanda ako ng fireworks mapasa akin lang sya XD parang kakasabi ko lang na hindi pa pwede ngaun.. oh well Avril na un choosey pa ako? lols

ung mga nabubuong team sa group nakakatuwa pero iba pa din ung Team namin ng kaloveteam ko. medyo rated SPG na ung ibang topic namin.. gagawa daw kami 50na baby? buhay pa ba ako nun? o isa lang din ang masasabi ko jan BAKA MAKABUO? HAHAHAHAXD

di ko pa namimeet ung iba masaya siguro pag madami na kayu nu? medyo magulo din siguro un.. I was happy knowing the fact the for some reason I feel that I belong..
No one to judge you,
equality is there no doubt about it.
Everybody is friendly.
I'm happy with them talaga bloggy..
acceptance is so hard to find now a days but nakahanap naman ako :)
Friendly naman ako diba? kahit medyo snob talaga ako sa mga hindi ko kilala? :))
well well well balon balon balon. anu pa nga ba masasabi ko?

siguro di pa din ako sanay sa lahat ng attention na nakukuha ko :/ I don't need that naman.. Simpleng taong, may simpleng buhay, simpleng pangarap at pangangailangan sa buhay lang naman ako XD hahahaha KAPE PA LIAM KAPE PA!! XD

Nga po pala sa lahat ng nag sabing cute ako, wag po kayu magpaloko sa kapangyarihan ng camera 360.. nag warning na ako ah, kaya walang sisihan XD

PARA PO SA LAHAT NG BLACKSTAR

"THANK YOU PO SA LAHAT NG LIKES.. JK.. XD DEH THANK YOU PO AT NAKILALA KO KAYU.. NA MASAYA KAYU PAG KASAMA AKO.. :) IISA LANG NAMAN NAGPAPATAKBO NG UTAK NATIN NGAUN DIBA? :) THANK YOU FOR ACCEPTING ME SA GROUP" 


My Avril Lavigne concert Experience

Feb. 17, 2014
http://www.youtube.com/watch?v=7rYwD-0Hfb8

Hi bloggy as promised iaupdate kita regards sa concert experience ko.. Well, medyo late na sya but this is something worth trying for. XD

ANG GANDAAAAAAAAA NYA!! well si Avri un bloggy ha hindi si anu.. :) well kahit maliit lang sya maganda pa din.. What's that term again, makalaglag underwear XD haha

Ung eksenang mabilis ung tibok ng puso ko nung nakita ko sya, same thing happen nung nag kiss kami ni ahem.. well never mind her, I dumped her.. dumped her?!! ^____^ kanya kanyang trip yan.

pag hinalikan kaya ako ni Avril anung feeling? baka mabaliw na ako.. XD
wag na kasing umasa Liam, di pa sila naghihiwalay wait for your turn ok? lols

Ayun nga medyo worth it lahat ng gastos ko. Lahat ng effort ko. lahat ng pagod ko.. Lahat un dugo at pawis ko.. Knowing na ilang steps ka lang away from her stage. Inhaling the same air sa loob ng big dome, singing the same song.. Oh that feeling keeps on flashing back talaga. But medyo nasaktan ako sa appearance ni Chad "epal" Kroeger.. why does he have to show up, harap harapan akong sinaktan ng baby ko XD

Medyo masaya bloggy kahit may isang girl na nangungulit sa akin sa phone. nakakatawa lang kasi ba naman inaupdate nya ako kung san na sya. and take note sabi nya sunduin ko daw sya dahil may nangungulit sa kanyang mga lalake tinatanung ung name nya daw, and kung may bf na sya.. Di ko alam kung anung role ko bakit nya ako pinapapunta sa Gen. Ad, paulit ulit ko na ngang sinabing nasa Patron ako.. Baka makaakyat.. tsaka bakit ko sya aakyatin? XD I need an explanation, and acceptable reason? *and now we're starting over again.. ^_____^ medyo hyper ako ngaun bloggy this is what I hate about coffee :/ medyo sabog ako.. awww
puyat nanaman ako neto :)

ok moving on dun tayu sa nangyare, nakakatuwa ung mga kagroup ko nageffort sila gumawa nung banner for avril, nakakatuwa kasi mukhang napansin din sila ni Avril, at mukhang kinawayan din ako ni avril sa pwesto ko XD hahaha

ayun pag labas nya wearing those Hello Kitty skirt nabaliw na si Liam.. Finally! Nov. pa lang kasi binili ko na ung ticket diba? sinung hindi excited? Hindi ako excited ah!! Medyo lang, slight lang.. OK OK EXCITED NA AKO..

Nung kinanta nya ung HTNGU ayan baliw baliwan mode na ako.. un kasi ung song na nakuha nya ang puso ko.. nuxxx
you know the story naman diba bloggy? :)
Then un pinaka favorite ko sa self titled album nya na HUSH HUSH, well di ko pinalampas na mavideohan ung moment na un. Kahit medyo pawis na sya ganda pa din ei.. Everything is so perfect except sa mga epal na BOUNCER!!!

hmm ang layo na pala ng story ko nu? well dun muna tayu sa umpisa, haha baligtad ung kwento natapos muna bago naumpisahan :) well wala kayung pake blog ko nga to diba? :)

Ayun nakilala ko si Raseck, ang adobe lord ng ALPH, si John na una kong nakabromance sa group na hanggang ngayun eh nakikipag bromance pa din sa akin XD
at ang kasama kong si Rachelle :) si parekoy :)

Medyo malungkot lang kasi nasa Patron ako, AKO LANG MAGISA!!! pero good thing may dalawang girl akong nakatabi, medyo 2 seats apart pa kami, nakiusap ako dun sa mga nakaupo katabi nila kung pwede dun na lang ako para may katabi ako sabi ba naman sa aki "NO THIS IS OUR SEAT", sa loob ko, "OK THEN TAKE IT WITH YOU!" hahaha bad ko lang, arte po kasi db. but eventually mukhang naawa sa akin dahil loner ako, ayun pumayag sila na makatabi ko ung dalawang girl sa group. edi may kausap na ako XD
but bloggy alam mo ba anung unang nasabi ko pag pasok ko?

" Kuya dito po ba ung Patron 112?"
" Opo, jan po.."
"Kuya hindi ka nag jojoke?"
"Opo jan po ung seat"

"WAAAAAAAAAAAA.. GUSTO KO NG UMIYAK!!"
yan bloggy yan ang lumabas sa bibig ko.. di ko inakala na ganun talaga ako kalapit, habang papalapit ng papalapit ung time lalo akong kinakabahan , na naeexcite, na natatakot, na masaya, na ewan. halo halo anf emotions ko talaga..

Then nagkikwentuhan na nga kami nung mga katabi ko pinakita ko sa kanila ung chat nung makulit na babae, natatawa sila sabi sa akin "Maganda ba?" me: " Malay ko, di ko pa naman nakikita ei"
sila: "pag maganda edi sunduin mo" me: "luh kailangan maganda talaga? di pwedeng mabait?"  hahahaha close na kami agad kasi mukha akong tanga paulit ulit ako sa "Ang lapit shit.. gusto ko na talagang umiyak" "swear iiyak na ako" "ayan na patulo na ang luha ko" tawa sila ng tawa sa akin, pero same naman kami ng emotion kaya naiintindihan nila ako :))

ok dun naman tayu sa merch, medyo nakipag gera ako sa pagbili ko ng merch
ang nabili ko
* TOUR BOOK
*BALLER
*LIGHT STICK
*TSHIRT (peo nadisappoint ako sa shirt, ibinenta ko ulit ng 900 :( luge lang ako anu po?) hahaha
*tsaka ung guitar Pick, at ung isa pang unofficial baller

medyo 15k na ang nagagastos ko sa mga avril merch. ko and still counting..
ung guitar pick dapat may pirma ni Avril ung akin kaso naunahan ako nung mga kasama ko kaya kay D Ellis na lang nakuha ko. :( ung bouncer pa 300 binibenta, sige liam tawad pa.. kaya ayun nakatawad 200 :)
ung cup ni avril sa stage inabangan ko ei medyo epal lang talga si kuya bouncer.. masungit ka anu po? pavhong navarro kita ei.. XD
at napagalaman ko na ALAK ung laman nung baso na un at kape.. seryoso Av. kinaya mo un? hahahaXD I don't really like ung bad girl image, pero swear sya lang ung may bad girl image na gusto ko XD

tapos may nangyare palang kamalasan nung araw na un, nagvivideo ako ng let me go, sabay sabay ba naman nag memory full ung mga camera na dala ko, ung xperia ni kuya nag lowbat at mem. full, cp ko lowbat, DSLR ko mem. full.. putek yan.. tapos nung papalitan ko sana ung co ni kuya ng mem. card ko bigla naman nahulog sa sahig ung mem. card. alam mo ung feeling na bigla kang naghagilap sa madilim na lugar at siksikan ung mga tao? buti magaling talaga ko.. kinabahan ako dun papatayin ako ni kuya pag nawala un, tsaka di pwdeng mawala andun ung unang clip ko kay avril nu :)) ahaha

ayan na bloggy, di sya masyadong kumpleto but, gaya ng pangako ko, iaupdate kita :)) eto muna ung avril experience ko.. medyo sinisipag po ako.. :) Next is ung mga new people sa buhay ko :))


ROCK AND ROLL SA GIRLFRIEND KO NGAYON NA BUSY PA DIN SA TOUR NYA :)) MISS NA KITA. I'M LOOKING FORWARD DUN SA NEW SINGLE MO.. KEEP UP.. ILOVEYOU :))