June 25, 2010
First of all, bday to ni Jamie... and second... Bati na ulit kami...
this day is full of surprises... cause the day that i feel would be 100% hell for me, turned out to be one of my unforgettable moments.. i end up being the first to be in our meeting place, cause i didn't know that they change the plan about being there at exactly 8 am, super talaga as in nagmadali pa ako... si bonao una kong nakita sa school...
me: pst.. ui bonao.. nandyan na sila???
bonao: wala pa daw.. ten pa raw sila punta..
me: what?? grabe super aga natin ha.. tara internet muna tayo...
banao: tara..
and we ended up surfing the web...
(sigh)
after 1 hour, paglabas namin ng computer shop nakita namin si vince...
vince: san na sila??
me: malay.. nasa computer shop kami ei...
bonao: maya pa raw sila dating ei..
nakita nmin si axl bumubili...
vince: pst.. jacob...
me: sama ka?? (nkita kong pink ang bag nya, gusto ko sanang okrayin na kung bakla sya pero naisip ko na wag na lang, tinuruan nya naman ako ng Rubiks ei...
jaob: hindi.. may practice ako
me: ahhh.. kala ko sama ka ano yan?? extra joss?haha...
jacob: nandyan sila inah ah...
me: ahem...
vince: di pa ba akyo bati??
me: obvious ba?? pinansin ko na si matt pero ako pa ang di nya pinansin... sorry pero wala ng magbabago sa desisyon ko... bahala sila..
vince: grabe yun ilong mo umuusok.. hahaha
bonao: tara na puntahan na natin sila...
and then I saw them... super ignore mode ako.. haha.. i'm expecting them to approach me first. but i end up disappointed... gosh ayaw akong kausapin talaga...
buti na lng si ate joy( one of the janitors sa school) nakita ko.. sya muna kinausap ko...
si janiza dumating din...
super ignor pa rin... nung umulan na ng konti lumapit ako sa study center kung nasan sila... hiniram ko muna fone ni vince kasi wala atang nakakita sa akin... nung tumila yung ambon, nagaya silang mag commute na lng... gosh, ang pera ko na ky faith... hala... buti na lng papunta na si jamie sa school... so nagpunta na lng kami sa SM... medyo kinakausap na ako ni matt pero si Inah wla pa rin.. parng lao tuloy ako naasar... di ko naman sya kakainin. and to think na baka galit pa ako... why would i hug matthew if I'm still mad at him... this isn't 6th grade... what am I??? Immature?? un ang nasa loob ko nung mga panahon na yon.. pero to be honest, naiilang talaga ako sa kanya... i don't have a guts to talk to her the way I used to. noong bati pa kami...
lakd lakad lng kami sa SM, sa mga store ng cellphone... i want the corby... hahaha... and I thnk yun din ata yung tinitingnan nya... ata lng...
nagtxt na si Jamie... at nasa 7/11 na raw sila... nagmadali na kaming pumunta sa 7/11.. and to my shock muntik pa akong mauntog sa poste. dahil super duper mega ultra dami namin(exaggerated) hahaha... 21 kami to be exact... pero dahil sa marami kami naging masaya...
we're still waiting for someone... si anne laguimon.. and then pagdating nya punta na kami ng sakayan ng bus... and again grabe i thought standing ovation kami poro hindi naman pla... it's not crowded, aakalin nilang field trip namin.... super saya ant super ingay din sa loob ng bus... and believe it or not we sitted at the back of Inah and Matthew... eh sa dun umupo yung kasama ko ei... i feel sleepy, super aga ko ba namang gumising ei... 4 ako nakatulog dahil kakwentuhan ko pa si L.A tapos 6 ako gigising.... still sleepy to get going.... and ingay ni Jamie, gusto ko sanang tumawa pero nahihiya ako... hahaha...
and then yung girl na nakatabi ko, keeps on touching my hand... it was so irritating... gusto kong sabihin dun sa guy na kasama nya pero baka ako pa ang sapakin.. ang laki kaya ng katawan... hahaha
and then isa pang sakay... sa jeep naman... isipin nyo nga kung paano magkakasya ang 21 na pasahero at yung iba pa png dalawahan ang size?? (peace).... hahaha... edi yung iba umupo na lng sa labasan at yung iba naman kandong nalang... buti dinala nlng kami ng driver dun sa place... so we don't have to walk dun sa impyerno este sa mainit na way papunta sa pool...
everyone is staring at us... i don't know if dahil sobrang dami namin or sa nagyon lang sila nakakita ng aliens... hahaha...
super gutom ang nadadama namin... si vince walang damit pang swimming... sabi nya bibili sya ng damit sa ukay ukay...natawa ako nung sinabi nya kung damit ang problema sa ukay ukay pumunta... hahaha.... oo nga nmn... affordable pa... super init... bumili muna kami ng food... ako bumili ako ng tinapay, i don't like jumk foods... at naghanap talaga ako ng mabibilhan ng c2 puro softdrinks ang tinda ei....
after 30 minutes ata nagaya na silang magswimming... wala rin si Inah ng damit... so donate... ako lang naman ang may extra ei... kahit galit pa ako sa kanya gusto ko pa rin syang makalaro sa pool, mahilig pa aman syang makipag karerahan... at pagtalon ko sa pool believe it or not, sa tangkad ko ay nalunod ako... wala akong choice kundi mag back stroke kasi un lng ang marunong ako at sure akong di ako kakapusin ng hanggin...
everybody laughs at me lalo na si jessah.. saying ang tangkad mo di ka marunong lumangoy...
what can i do... kaya nga I don't like swimming because i don't know how to swim...(merong CS ang tao)
and then, super saya kaso pinagalitan ako nung bantay ng pool kasi di kami naka white... nga pla bakit ba bawal ang hindi naka black.... anong connect sa pag swimming nmn un diba? ampp. si kuya lifeguard ba sya???
and then maraming kaming trip nad take note and food nmn every 2 hours ata may rasyon.. hahaha.. my tanghalian my merienda at may hapunan pa... hahahaha...
masaya as in super maliban sa nagkabati na kami nila matt at ni Inah I'm so happy to say na sa kabila ng pagtatalo namin ei magkakabati pa pla kami... at yun kinakausap n ako ni matt at kami nmn ni Inah lagi kaming magkasama sa pool na miss namin ang isat isa.. hahaha... wala kaming magawa kundi ang expected ko na pakikipaglaban nya sa akin sa pool... pero dun lng kami sa side kasi di ko kaya sa malalim.. hehehe...
picture to the max sila habang kami ni inah nagkwekwentuhan.. i forgot marami kaming audience nun... hahaha... ung mga elementary na malapit dun ei pinapanood kaming magswimming... hahaha... sayaw pa naman kami ng sayaw ni vincent nun.. mukha kaming tanga... hahaha... pero hello sa kanilang mga elementary student dun...
and then speaking of Inah na akala ko talaga ay di ko kakausapin at isusumpa ko na eh nakausap ko naman... kung paano kmi nagusap nun eh ganun pa rin... at si matthew nmn pose ng pose... talon ng talon sa di naman na cacapture ung pagtalon nya... lahat na ata ng nandun ei ginawa nilang photographer macapture lng ung pagtalon nila... hahahaha... nga pla ang dalawang Gaspar ay nandun.. nanunulak sila, at nabiktima rin nila ako.. hahaha... gusto nga nilang itulak si Inah kaso sabi ko mababadtrip ung retarded na ayn... pikon pa aman... hahaha...
sa mga pagkain kahit di ko natikman ang macaroni salad ei okay lng.. kahit inggitin ako nila jessah so what.. ei di naman ako kumakain nun ei... kahit fruit salad ei... kakainin ko lang ung keso... hahaha... ang sarap nung fish, boneless ba yun??? kung oo buti pa ung fish boneless samantala yung kanin may tinil... hahaha... bongga... galing din ba ng dagat ang bigas nila?? hahaha
si Matthew bongga kumain lalo na si Inah... lahat ata nilantakan... si Bonao din, sabi nya pa di daw sya patay gutom.. di lng halata... ako tipd na tipid sa kanin.. tumataba na ako ei... ammppp... mahirap na noh pinaghirapan ko ung tyan ko nung vacation tapos magpapataba nanaman ako... sabi ni bonao buntis daw sya ng five months... grabe kelan pa nangyari yun... and si vince grabe super nakakainggit ung color nya.. super puti.. ammpp...
i forgot about sa mga naglalampungan dun sa pool... i won't say any of the name itago na lng natin sila sa pangalang jamie at jed, leland at sheldon, at Jessah at Jezza...di nyo pa sila kilala... may picture ata sila sa phone ng undercover agent namin na for protection ay itago na lng natin sa pangalang Chloe... hahaha..
balik nmn tayo sa laban naming dalawa ni ex-friend na si inah na friend ko na ulit... kaya wala ng ex, friend na lng... hahaha.. ayun syempre sino pa ba mananalo edi... sya... hahaha... di nmn ako marunong lumangoy ei... sorry nmn, wala akong kwentang kalaban.... at ng maubusan na kaming dalawa ng power sa dami ng laban namin ay naisipan nya ang kung ano ano sa tubig... higa lng sa tubig tapos unti unti daw iikot.. tuwang tuwa na sya sa kababawan nyang un.. hahaha(peace..)pero wag ka tinry ko rin... hahaha... ginawa nya pa akong unan... tama bang unanan ako?? hahaha.. pero okay lang kahit nakakain ko na yung buhok mo inisip ko na lng spaghetti... joke... hahaha..at nung umahon kami para kumain ng pinkahihintay na spaghetti (ung nakakain, hindi ung buhok). nagusap kami kahit anong pigil ko na sabihin ko na talkshit sila.. ei nasabi ko pa rin... haha... ayun na, tuluyan na kaming nagkabati... nakakamiss ung times na naguusap kaming tatlo.. kami ang alvin and the chipmunks... ako si Alvin, si Inah si Simon at si Matt si Theodore... hahaha... o diba bagay... i can't remember na ung iba...ah ung highlight is nung nalunod si matt at vince, buti na lng talaga hindi ako sumama sa kanila... haha kapag kinapos si matt ng hangin ilulubog nya si vince kapag si matt naman ang kinapos si matt nmn ang ilulubog ni vince grabe super nakakatawa kahit ngayong tinatype ko to bumabalik sa isip ko yung face nilang dalawa para akong tanga dito tumatawa ng walang dahilan dahil sa kanilang dalawa, super paguusapan to sa monday.. hehe...
wala na akong maalala ei habang nagswiswimming kami ei.. nong tapos na sa CR... may nakita ako kay wami... haha.. pero ok lng my mouth is shut maliban na lng kung pipilitin ako.. hahaha.. ayun, ung iba walng dalang gamit... ung sabon dun ako natawa.. ako ung mayari pero ako ang huling gumamit... hahaha.. si matthew di ko alam kung nagamit ba ung sabon ei..
pero nakaraos din.. at yung suot ko pla pinatuyo ko lang sa araw ung sa sobrang init ng panahon natuyo naman sya... ang galing nga ei... hehehe... pati paa namin napaso sa sobrang init ng lupa... naalala ko pa ung naglalakad kami, sabay pa kami ni matt sumigaw na ANG INIT.. hahaha... tawa kaming parehas nun.. hehe..
nung pauwi na, eto na super dami na naganap... una naligaw kami, akala namin sa Manila City Hall kami ibababa nung jeep na sinakyan nmin un pla sa Quezon City Hall kami ibababa.. asar grabe, di talaga namin alam kung san kami sasakay.. nagtanong na kami kung kanikanino kung ano ang sasakyan papuntang SM... ang malas pa dahil wala na kaming pera... napilitan na kaming mangontrata ng jeep pero walng pumayag.. sobrang layo pa kasi namin ei... kaya pala nagtataka ako dahil sobrang layo pa ng SM manila ei 7 pesos lng ang pamasahe... donate... wala kaming choice kundi maglakad patawid ng over pass.. sabi nila dun pa raw sa Circle... haha... buti na lng talaga nakasakay kami na maayos... at kawawa nmn ung ale na nagmamagandang loob na tumulong sa amin na hindi rin nmn nakasabay dahil maghahanap na lang kami...
after alay lakad eh nakakita nman kami ng bus pagtawid namin over pass... grabe ang laki na ng muscle ko sa binti sa taas ng inakyat namin...
TO BE CONTINUED... ABANGAN ANG BUSter coaster(Roller Coaster) ride... hahaha
No comments:
Post a Comment