yep, new years eve... So damn tired of everything...
hirap umasa... hirap na hirap na dahil wala namang kasiguraduhan sa nangyayari sa amin, sa ginagawa ko...
Hindi naman ako naghahangad ng perpektong tao, perpektong relasyon... sapat na kasi sa akin ung taong marunong makuntento at manatiling kasama ako sa kabila ng hirap ng dadanasin... and take note... YUNG TAONG KAYANG IPAGMALAKI AKO...
sa umpisa parang may pag asa pa ei... pinakita nya kasi un... pero lahat hanggang umpisa lang pala talaga... nakakapagod na...
to be honest, I never get tired of loving her.. kahit masakit na...
pero siguro naman tao lang ako diba... di nga ako nagsawang mahalin sya, nagsasawa naman na akong maghintay, magassume, humingi ng sorry at masaktan.. wala naman kasing taong gustong nasasaktan diba...
hinihintay ko na lang na mag voluntarily quit na ung puso ko sa pagmamahal ko sa kanya ei...
a friend of mine once said this to me...
if you love someone ipakita mo... Dont waste your time arguing with your pride. Di natin alam kung hanggang kelan sya maghihintay sa atin porket we know na mahal nya tayo eh cool lang tayo... Dont ever think na "mahal ako nyan, di ako iiwan nun... DI NAMAN MAWAWALA YAN EI" you know what? khit ganu ka kamahal ng isang tao, pag di nya mafeel na binibigyan mo sya ng importansya... iiwan ka nya kahit masakit sa kanya... Ipakita mo lang kung anu ung tunay mong nararamdaman... wag ka maging DENIAL... dhil pwedeng mawala yan in just a blink of an eye... I hope sya ung nakarinig ng mga salitang to...
nakakatawa man... kahit alam kong ganito na ung nangyayari pilit ko pa din pinagsisiksikan ang sarili ko sa kanya... khit anung sabihin nila na tumigil na ako, let her go, masasaktan ka lang pag umasa ka wala pa din magawa... sabi nga ni L.A magpapayo lang ako pero sayu pa din ung magiging desisyon bandang huli...
nuon ko pa gustong lumayo sa kanya, gusto man ng katawan ko ayaw naman sundin ng utak at puso ko... minsan iniisip ko na lang na ginagawa nya to hindi dahil sa hindi na nya ako mahal, siguro dahil kailangan nya namang mahalin at protektahan ang sarili nya sa sakit na naidudulot ko...
alam nyo ba ung feeling ng ramdam mo na ngang hindi na sya masaya sayu, tapos pinagpipilitan mo pa din ang sarili mo sa kanya?
Un ung naramdaman ko at narealize ko kelan lang... na sana narelize ko na nuon pa...
binilang nya kasi ung sakit na ginawa ko... sana naman wag nyang bilangin yung mga bagay na hindi ko magawa para sa kanya, kundi bilangin nya din sana ung mga bagay na hindi ko naman talaga ginagawa pero nagawa ko para sa kanya...
ngaung bagong taon, hindi ko na muna kailangan ng bagong relasyon.. kung darating man edi go.. pero kung hindi edi hindi... minsan kasi naiisip ko na din na kailangan ko mapagisa ei... para hanapin ko naman ung dating ako na nawala simula nung araw na minahal ko sya..
masakit lng kasi na kung ganu kabilis naging kami... ganun din kabilis kaming nagkahiwalay...
tinali ko ang sarili ko sa pangarap na ako lang pala ang nangangarap... ung pangarap na kami na talaga...at kaya nyang makasama ako...
minsan narerealize natin ang bagay pag huli na... un bang gusto mong ibalik pero alam mong di na pwde...
inaalala mo nalang ung mga panahon na magkasama kayo, panahong nararamdaman mong mahalaga ka sa kanya at mahal na mahal ka nya... lahat naman siguro tayo marunong magmahal ei... pero dapat nating tandaan na ang puso natin nasasaktan at napapagod din...laht may hangganan.. lahat nagbabago... maaring ngaun mahal na mahal ka nya pero pwedeng bukas mahal na mahal mo na sya pero sya naman ang sumuko na at ayaw ka ng mahalin pa...
proven and tested na yan... ganyang ganyan ang nangyari sa amin nuon... to be honest, dati di ko pa ganun sya kamahal... na hindi tulad ngaun, alam ko mahal na mahal nya ako pero di ko un pinahalagahan.. and worst is SINAKTAN KO PA SYA...
tanga ko nu... ngaun ako na ang humahabol sa kanya...
now is the year... GAGAMITIN KO MUNA ANG UTAK KO... WAG NA ANG PUSO KO:)))
HAPPY NEW YEAR!!! :)))
No comments:
Post a Comment